Bagong Taon Na Naman “Anomang bagay o sinomang tao ay dumarating ang pagbabago” -Ed Versola 2017

KATULAD ko na isinilang, bininyagan na wala pang malay bilang Romano katoliko at lumaki halos sa simbahan bilang tagalingkod ng pari tuwing misa – sakristan.
Matagal na panahon. Mula pagkabata hanggang sa kolehiyo, katuwang ako sa maraming misa, sa maraming oras na magkakaiba. Pinakamaganda ay noong ako ay aktibo sa Cursillo. Feeling banal, eh.
Pero katulad ng anomang bagay o

sinomang tao ay dumarating ang pagbabago. Nagsimula ang aking ibang pananaw sa lipunan nang maging kasapi ako ng makabayang puwersa – KABATAANG MAKABAYAN (KM).
Mula noon hanggang ngayon, hindi nawala sa akin ang mga gabay at aral ng KM (o ng Partido?). Paglingkuran ang Sambayanan!
Sa kabila ng pagiging aktibo ko noon, nakatanaw rin naman ako sa burukratang pista ng mga Kristiyano. Ang Pasko, lalo na ang pagdating ng Bagong Taon. ‘Yun bang inaakala ko na magkakaroon na ng tunay na pagbabago ng buhay dala ng Bagong Taon?
Katulad ngayon, Bagong Taon na naman. Ano ba ang inaasahan nating lahat na magbabago sa ating buhay? Ano ba ang maaasahan ng mga Filipino na bagong buhay ngayon pagdating ng 2017?
Noon kasi, nagsusulat pa ako ng mga gabay ng pagbabago sa aking sarili, Yung “New Year’s Resolution”. Pagbabago mula sa sarili tungo sa pangkabuuan ng lipunan. Katulad ng marami, kabiguan ang lamang.
Ngayon, Bagong Taon na naman, 2017. Ano nga ba ang dapat nating asahan at tanawin na pagbabago bilang indibidwal na mamamayan.
Nakahanda na ba tayo sa isang totohanang pagbabago sa ating buhay?
Kung karanasan ang batayan, hindi darating ang pagbabago sa ating buhay. Sa ating sarili kung hindi tayo mismo ang magpapasya.
Ang pagbabago ay hindi ibinibigay o nagmumula sa ibang tao kundi sa ating sarili lamang.
Ganyan din ang kalagayan ng bansa. Masyado tayong natuto sa tulong ng iba. Panloob at panlabas ng bansa. Inakala natin na tutulungan tayo ng bawat kababayan o maski kasama sa pamilya o mismong ng malalaking bansa na pinaniwala tayo bilang kaalyado at kasangga.
May nagbago ba sa atin mula sa kamay nila? Wala, hindi ba? Ngayon, Bagong Taon na naman. Marahil itama na natin ang maling paniniwala na uunlad tayo sa tulong ng ibang tao.
Hindi totoo. Ang kailangan ay sarili natin ang magbago tungo sa labas ng tahanan.
Karanasan ang may turo. Ang pagbabago na hangad natin tuwing dumarating ang Bagong Taon ay mangyayari lamang sa sarili nating inisyatibo.
MANIGONG BAGONG TAON 2017 SA LAHAT!
by: ED VERZOLA, BALETODO REMATE, JANUARY 3, 2017

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s